| Sep | OCT | Nov |
| 11 | ||
| 2011 | 2012 | 2013 |
COLLECTED BY
Collection: Wide Crawl started September 2012
Ang paraon (Ingles: Pharaoh)[1] ay isang tagapaghari sa sinaunang Ehipto.[2] Isa itong pamagat-pantao na iniuukol lamang para sa lahat ng mga naging haringEgipto.[3] Subalit, ang salitang ito ay dating katawagan para sa tanggapan o luklukan ng pagkahari sa Bagong Kaharian ng Matandang Ehipto. "Magiting na Kabahayan" ang tunay na kahulugan nito, bilang pagtukoy sa palasyo ng hari, subalit lumuwag at lumabo ang kahulugang ito nang lumaon, hanggang sa naging kapalitan ng salitang "hari". Bagaman karaniwang mga lalaki ang mga namuno sa kaharian ng Ehipto, ang pamagat na faraon ay ginagamit din, ngunit hindi madalas, sa babaeng naging pinuno. Ayon sa kasaysayan ng Ehipto, pinaniniwalaan na ang mga babaeng naging faraon o hari ay ang pagbabalik at muling-pagkabuhay ng diyos na si Horus. Ang katawang tao ng babaeng-hari ang pinaka-reinkarnasyon ng diyus-diyosang ito.[4]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipediasapagpapalawig nito.