115 captures
30 Aug 2009 - 28 Dec 2025
Apr MAY Jun
21
2012 2013 2014
success
fail

About this capture

COLLECTED BY

Organization: Internet Archive

The Internet Archive discovers and captures web pages through many different web crawls. At any given time several distinct crawls are running, some for months, and some every day or longer. View the web archive through the Wayback Machine.

Collection: Wide Crawl started April 2013

Web wide crawl with initial seedlist and crawler configuration from April 2013.
TIMESTAMPS

The Wayback Machine - http://web.archive.org/web/20130521201706/https://tl.wikipedia.org/wiki/Taylandiya
 




Taylandiya

 

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
 

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin  

Kaharian ng Thailand
ราชอาณาจักรไทย
Racha-anachakra Thai
Kingdom of Thailand

Motto: none
Pambansang awit: Phleng Chat

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Bangkok
13°44′N 100°30′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Thai
Pamahalaan Parliamentary democracyatConstitutional Monarchy
 -  Hari Rama IX
 -  Punong ministro Yingluck Shinawatra
Pagkabuo
 -  Kaharian ng Sukhothai 1238–1368 
 -  Kaharian ng Ayutthaya 1350 
 -  Kaharian ng Thonburi 1767 
 -  Kaharian ng Rattanakosin Abril 6, 1782 
 -  Constitutional Monarchy Hunyo 24, 1932 
Lawak
 -  Kabuuan 513,115 km2 (ika-49)
198,115 sq mi 
 -  Tubig (%) 0.4%
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 65,444,371 (19th)
 -  Senso ng 2000 60,916,441 
 -  Kakapalan 127/km2 (59th)
328.9/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $559.5 billion (20th)
 -  Bawat kapita $8,542 (72nd)
Pananalapi ฿ Baht (THB)
Pook ng oras (UTC+7)
 -  Tag-araw (DST)  (UTC+7)
Internet TLD .th
Kodigong pantawag 66

Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng LaosatCambodia sa silangan, the Golpo ng ThailandatMalaysia sa timog, at Dagat AndamanatMyanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang Mayo 11, 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

Mga nilalaman

Kasaysayan [baguhin]

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang mga kultura na umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.

Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 - hanggang ika-15 siglo.

Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayutthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.

Ang kapangyarihang Europeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.

Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980.

Noong 1997, ang Thailanday tinamaan ng krisis pinansyal ng Asya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa tumama sa bansa ang krisis.

Pulitika at Pamahalaan [baguhin]

Ang Hari ay may kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang hari, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol ng Budhismo sa Thailand.

Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).

Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.

Pagkakahating Administratibo [baguhin]


Ang Thailand ay nahahati sa 75 mga lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. May 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya, na ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Tahi ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 lalawigang bansa ang Thailand.

Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 maas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Nakhon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:

Mga lalawigan ng Thailand

Gitnang Thailand [baguhin]

  1. Ang Thong
  2. Phra Nakhon Si Ayutthaya
  3. Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon), Espesyal na pinamamahalang Distrito [1]
  4. Chai Nat
  5. Kanchanaburi [2]
  6. Lop Buri
  7. Nakhon Nayok
  8. Nakhon Pathom [1]
  9. Nonthaburi [1]
  10. Pathum Thani [1]
  11. Phetchaburi [2]
  12. Prachuap Khiri Khan [2]
  13. Ratchaburi [2]
  14. Samut Prakan [1]
  15. Samut Sakhon [1]
  16. Samut Songkhram [2]
  17. Saraburi
  18. Sing Buri
  19. Suphan Buri

Silangang Thailand [baguhin]

  1. Chachoengsao
  2. Chanthaburi
  3. Chonburi
  4. Prachinburi
  5. Rayong
  6. Sa Kaeo
  7. Trat

Hilagang Thailand [baguhin]

  1. Chiang Mai
  2. Chiang Rai
  3. Kamphaeng Phet
  4. Lampang
  5. Lamphun
  6. Mae Hong Son
  7. Nakhon Sawan
  8. Nan
  9. Phayao
  10. Phetchabun
  11. Phichit
  12. Phitsanulok
  13. Phrae
  14. Sukothai
  15. Tak
  16. Uthai Thani
  17. Uttaradit

Hilagang Silangang Thailand [baguhin]

  1. Allan Charoen
  2. Bueng kan
  3. Buri Ram
  4. Chaiyaphum
  5. Kalasin
  6. Khon Kaen
  7. Loei
  8. Maha Sarakham
  9. Mukdahan
  10. Nakhon Phanom
  11. Nakhon Ratchasima
  12. Nong Bua Lamphu
  13. Nong Khai
  14. Roi Et
  15. Sakon Nakhon
  16. Si Sa Ket
  17. Surin
  18. Ubon Ratchathani
  19. Udon Thani
  20. Yasothon

Timog Thailand [baguhin]

  1. Chumphon
  2. Krabi
  3. Nakhon Si Thammarat
  4. Narathiwat
  5. Pattani
  6. Phang Nga
  7. Phatthalung
  8. Phuket
  9. Ranong
  10. Satun
  11. Songkhla
  12. Surat Thani
  13. Trang
  14. Yala

Heograpiya [baguhin]

Ika-49 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Thailand na may kabuuang sukat na 513,000 km². Maaaring ihambing ito sa laki ng Espanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ng California ng Estados Unidos.

Ang Thailand ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok sa Doi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ng Ilog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid na Kra Isthmus na lumalaki habang patungong tangway ng Malay.

Demograpiya [baguhin]

Karamihan sa populasyon ng Thailand ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taong Tai. Ang ilan sa kanila ay ang, taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang hai o Isan o Lao, Ang taga-Hilagang Thai, at ang mga taga-Katimugang Thai. Ang mga taga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Thailand at bahagya lamang ang mga taga Hilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ng Gitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal na diyalekto.

Ang Wikang Thai ay ang pambansang wika ng Thailand, na isinusulat sa sarili nitong alpabeto, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal na diyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ng Isan o Mon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.

Edukasyon [baguhin]

Mga mag-aaral ng Mababang Paaralan sa Thailand

Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pam-paaralan ng kindergarten, mababang paaaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 Baitang.

Mga sanggunian [baguhin]


Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Taylandiya&oldid=1275122" 

Mga kategorya: 
Mga estadong-kasapi ng ASEAN
Mga bansa sa Asya
Taylandiya
 

Navigation menu

 

Mga pansariling kagamitan



Gumawa ng bagong akawnt
Lumagda
 



Mga ngalan-espasyo



Artikulo

Usapan
 


Naiiba pa








Mga tingin



Basahin

Baguhin

Kasaysayan
 


Mga gawain












paglilibot




Unang Pahina

Mga nilalaman

Napiling nilalaman

Mga kaganapan

Alin mang artikulo
 



pakikihalubilo




Patungkol

Pamayanan

Kapihan

Mga huling binago

Magkaloob

Makipag-ugnayan

Tulong
 



Mga kagamitan




Mga nakaturo rito

Kaugnay na mga pagbabago

Mga natatanging pahina

Bersyong maililimbag

Palagiang kawing

Page information

Sumangguni
 



Sa ibang wika




Acèh

Afrikaans

Alemannisch



Aragonés

Ænglisc

العربية

مصرى

Asturianu

Azərbaycanca

Башҡортса

Boarisch

Žemaitėška

Bikol Central

Беларуская

Беларуская (тарашкевіца)

Български





িি ি

Brezhoneg

Bosanski

 

Буряад

Català

Нохчийн

Cebuano

کوردی

Qırımtatarca

Česky

Kaszëbsczi

Чӑвашла

Cymraeg

Dansk

Deutsch

Zazaki

Dolnoserbski

ދިވެހިބަސް



Ελληνικά

English

Esperanto

Español

Eesti

Euskara

Estremeñu

فارسی

Suomi

Võro

Føroyskt

Français

Arpetan

Furlan

Frysk

Gaeilge

Gagauz



Gàidhlig

Galego

Avañe'



Gaelg

Hak-kâ-fa

Hawai`i

עברית

ि

Fiji Hindi

Hrvatski

Hornjoserbsce

Kreyòl ayisyen

Magyar

Հայերեն

Interlingua

Bahasa Indonesia

Interlingue

Ilokano

Ido

Íslenska

Italiano



Lojban

Basa Jawa



Адыгэбзэ

Gĩkũyũ

Қазақша

Kalaallisut







Kurdî

Коми

Kernowek

Latina

Lëtzebuergesch

Лезги

Limburgs

Ligure

Lumbaart



Lietuvių

Latviešu

Basa Banyumasan

Malagasy

Олык марий

Baso Minangkabau

Македонски



Монгол



Bahasa Melayu



Dorerin Naoero

Nāhuatl

Plattdüütsch

Nedersaksies



 

Nederlands

Norsk nynorsk

Norsk bokmål

Novial

Diné bizaad

Occitan

ି

Ирон



Kapampangan

Papiamentu

Norfuk / Pitkern

Polski

Piemontèis

پنجابی

پښتو

Português

Runa Simi

Română

Tarandíne

Русский

Русиньскый

Kinyarwanda



Саха тыла

Sicilianu

Scots

Sámegiella

Sängö

Srpskohrvatski / српскохрватски

Simple English

Slovenčina

Slovenščina

Soomaaliga

Shqip

Српски / srpski

Sranantongo

SiSwati

Seeltersk

Basa Sunda

Svenska

Kiswahili

Ślůnski

ி



Тоҷикӣ



Türkmençe

Tok Pisin

Türkçe

Татарча/tatarça

Twi

Удмурт

ئۇيغۇرچە / Uyghurche

Українська

اردو

Oʻzbekcha

Vèneto

Tiếng Vit

Volapük

Winaray

Wolof



Хальмг

ייִדיש

Yorùbá

Vahcuengh

Zeêuws





Bân-lâm-gú



Baguhin ang mga kawing
 





Huling pagbabago: 11:32, 11 Marso 2013.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.
 


Patakaran sa paglilihim

Tungkol sa Wikipedia

Mga pagtatanggi

Tanawing naililipat-lipat
 


Wikimedia Foundation
Powered by MediaWiki