| Apr | MAY | Jun |
| 24 | ||
| 2012 | 2013 | 2014 |
COLLECTED BY
Collection: Wide Crawl started April 2013
| Latin | ||
|---|---|---|
| Latina | ||
| Pagbikas | /laˈtiːna/ | |
| Ginagamit sa | Kanlurang Mediteraneo
|
|
| Bilang ng mga tagapagsalita | Katutubo: wala Pangalawang wika sa pagslita: estimated at 5,000 Pangalawang wika sa pagsulat: tinatayang nasa 25,000 |
|
| Pamilya ng wika | Indoeuropeo
|
|
| Opisyal na Katayuan | ||
| Opisyal na Wika sa | Lungsod ng Batikano | |
| Pinamamahalaan ng | Opus Fundatum Latinitas (Simbahang Katolika) |
|
| Mga kodigong panwika | ||
| ISO 639-1 | la | |
| ISO 639-2 | lat | |
| ISO 639-3 | lat | |
| Lingwaspero | – | |
| Note: This page may contain IPA phonetic symbols in Unicode. | ||
Ang Latin ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa rehiyong pumapalibot sa Lungsod ng Roma na tinatawag na Latium. Nagkamit ito ng dakilang kahalagahan bilang opisyal na wika ng Imperyong Romano. Ang lahat ng mga wikang Romans, tulad ng Kastila, Pranses, Portuges, Italyano, at Romaniano, ay umapo mula sa Latin, at mahahanap ang maraming mga salitang batay sa Latin sa iba pang mga makabagong wika tulad ng Inggles (madalas sa pamamagitan ng French) at pati na rin ang mga katutubong wika ng Pilipinas (madalas sa pamamagitan ng Kastila). Ang alpabetong Latin, hango sa sinaunang alpabetong Italiko na sa huli rin ay hango sa alpabetong Griyego, ang nananatiling pinakaginagamit na alpabeto sa daigdig. Bukod dito ang Latin ang lingua franca, ang wika ng aghamatpolitika, ng Kanluraning daigdig ng higit 1000 taon, pinalitan pagkatapos ng French noong ika-18 dantaon at ng Inggles noong ika-19 dantaon. Nananatili ang Lating Pansimbahan (Latina Ecclesiastica) bilang pormal na wika ng Simbahang Katoliko at, hanggang sa ngayon, ang opisyal na wika ng Batikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang pangunahing banal na wika hanggang noong Ikalawang Kapulungang Batikano noong dekada 1960. Ginagamit pa rin (hango sa mga ugat na Griyego) ang Latin upang ipagkaloob ang mga pangalang ginagamit sa siyentipikong pagsasauri ng mga bagay na may buhay. Ang makabagong pag-aaral ng Latin, kasama ng Griyego, ay kilala bilang mga Klasik.
Mga nilalaman |
Sumusunod ang isang tala ng mga titik at ponema wikang Latin. Alang-alang sa katumpakan, gamitin sa halip ng kinagawiang gabay sa pagbaybay sa Tagalog na Wikipedia ang IPA maliban na lang kung banggitin na hindi.
| A (maikli) | [ʌ] | (tulad ng Inggles na ‘but’) |
| A (mahaba) | [aː] | (tulad ng ‘sakop’) |
| AE | [aj] | (tulad ng ‘maya’) |
| B | [b] | (tulad ng ‘bata’) |
| C | [k] | (tulad ng ‘kasapi’) |
| CH | [kʰ] | (tulad ng Inggles na ‘cake’; malapit sa ‘dukha’) |
| D | [d] | (tulad ng ‘dalisay’) |
| E (maikli) | [ɛ] | (tulad ng ‘kompyuter’) |
| E (mahaba) | [eː] | (tulad ng French na ‘été’, ng Aleman na ‘Leben’, o ng Bisayang bigkas ng Filipinong E/I) |
| EI | [ej] | (tulad ng ‘okey’) |
| EU | [ew] | (tulad ng Kastilang ‘europeo’; malapit sa ‘ewan’) |
| F | [f] | (tulad ng ‘Filipino’) |
| G | [g] | (tulad ng ‘gawa’) |
| GN | [ŋn] | (tulad ng ‘pangnakaraan’) |
| H | [h] | (tulad ng ‘hawak’) |
| I (maikli) | [ɪ] | (tulad ng Inggles na ‘pit’) |
| I (mahaba) | [iː] | (tulad ng ‘kilos’) |
| J | [j] | (tulad ng ‘yugto’)1 |
| K | [k] | (tulad ng C; madalang gamitin sa Latin) |
| L | [l] | (tulad ng ‘laro’) |
| M | [m] | (tulad ng ‘madla’) |
| N | [n] | (tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘sangay’) |
| O (maikli) | [ɔ] | (tulad ng ‘Ano?’) |
| O (mahaba) | [oː] | (tulad ng French na ‘eau’, ng Aleman na ‘wo’, o ng Bisayang bigkas ng Filipinong O/U) |
| OE | [oj] | (tulad ng ‘Oy!’) |
| P | [p] | (tulad ng ‘payak’) |
| PH | [pʰ] | (tulad ng Inggles na ‘pit’) |
| QU | [kʷ] | (medyo kasintulad ng ‘pakwan’) |
| R | [ɾ] | (tulad ng ‘sarap’) |
| S | [s] | (tulad ng ‘sarap’) |
| T | [t] | (tulad ng ‘talampas’) |
| TH | [tʰ] | (tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’) |
| U (maikli) | [ʊ] | (tulad ng Inggles na ‘foot’) |
| U (mahaba) | [uː] | (tulad ng ‘pusa’) |
| V | [w] | (tulad ng ‘kawani’) |
| X | [ks] | (tulad ng ‘paksa’) |
| Y (maikli) | [ʏ] | (tulad ng Aleman na ‘lücke’) |
| Y (mahaba) | [yː] | (tulad ng Aleman na ‘übermensch’) |
| Z | [z] | (tulad ng Inggles na ‘zoo’) |
Hindi ipinagtatangi ng palabaybayang Latin ang mga maiikli at mahahabang patinig; sa makabagong gamit, maaaring markahan ng makrons (ā, ē, ī, ō, ū, ȳ) ang mga mahahabang patinig.
Para sa baybay ng Simbahang Katoliko ng Latin, tingnan ang Lating Pansimbahan.
1 Sa gitna ng dalawang patinig, doble ang papel na ginagampanan ng titik J: bilang katinig at bilang tagapagbuo ng kambal-patinig (diphthong) kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang sistemang panggabay sa Tagalog na Wikipedia), major (baybay /máy·yor/), cujus (/kwí·yus/), rejectus (rey·yék·tus).
Edisyon ng WikipediasaWikang Latin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipediasapagpapalawig nito.
Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikang_Latin&oldid=1275153" Mga kategorya: ●Mga wikang Indo-Europeo ●Wikang Latin Nakatagong kategorya: ●Stub (Wika)